35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ordinansya para sa padagdag na college education financial grant sa siudad ng Baguio approbado sa konseho

- Advertisement -

Baguio City – Inaprobahan na ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang ikatlo at panghuling pagbasa ng ordinansya na naglalayong madagdagan ang tulong pangpinansial sa mga kuwalipikado mga estudyante ng kolehiyo batay sa City Ordinance no. 116-2019.

Ang college education financial grant na ibinibigay ng gobierno ng lungsod ng Baguio ay magiging P8,000.00 bawat semestre mula sa dating P6,000.00.

Ayon kay Bise Mayor Faustino Olowan, ang pangunahing may akda ng City Ordinance 116-2019, mahalagang madagdagan ang nasabing tulong pinansiyal sa mga estudyante upang makahabol sila at ng kanilangpamilya sa tumataas na gastusin sa araw araw ganon ng kanilang pag aaral.

Kasabay sa pagkaapruba ng financal grant at ang paghahanda nila ng 20 million pesos na taunang budget ng lokal na gobierno na magpopondo sa kasalukuyang College Education Financial Assistance Grant Program.

Sa kasalukuyang, nakatakdang maitaas ang nasabing na aprubahang ordinansiya sa opisina ng Mayor para sa pagpirma nito at matapos ang ilang proseso ay maisasagawa na ito.

Sinabi ng naturang ordinansiya na ang bibigyan ng tulong pinansiyal ay ang maituturing na mahihirap at ang kulang sa pribilehiyo o underprivileged ngunit karapatdapat ng mga college students” na naka-enroll at maganda ang academic performance nila sa mga unibersidad o colleges na pinapasukan ng mga ito sa lungsod ng Baguio.

Ang mga aplikasyon para sa nasabing grant ay maisusumite at isasailalim sa screening sa pamamagitan ng Baguio City Scholarship Council.

Base sa datus ng City Social Welfare and Development Office, may 810 na kuwalipikadong estudyante na nakarehistro at nakikinabang sa nasabing programa ng lokal na gobierno ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -