Baguio City – Pormal nang binuksan ang ika limang taon ng pagdiririwang ng Ibagiw Creative Festival dito sa Baguio City.
Hangad ng nasabing festival na itaas ang iba’t ibang magandang tradisyon at kultura ng lungsod ng Baguio. Nag umpisa ang programa noong Sabado ng hapon sa pamamagitan ng isang Ibaloi Ritwal na dinaluhan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siyang nagsindi ng creativity flame na sumisimbolo ng opisyal na pagbubukas ng nasabing creative Festival at nagbigay na opening message.
Nagpakita ang iba’t ibang tanyag na artists mula Rehiyon Cordillera habang binubuksan ang Ibag-iw festival, kasama dito ang mga solo dancers, Ballet dancers, cosplay performers at iba pa ng nagpakita ng kanilang dance performances kasama si Ingrid Payaket, ang singing nightingale at ng Baguio Metamorphosis.
Hinintay pa na bumaba ang araw bago mag umpisa ang community dance na ipinakita ng University of the Cordillera bilang parte ng kultura at tradisyon na may kaugnayan sa nasabing festival.
Ayon kay Ibagiw Festival Director Alec Mapalo, ang Ibagiw festival ay maraming nakahandang gawain dahil sa ang nasabing pagdiririwang ay matatagal ng buong isang buwan. Kung saan may market showcase at art exhibits, skills training, crafts competion at iba pa.
Inaasahan na magtatapos ang Festival sa Nobyembre a 27 sa pamamagitan ng isang ceremonya sa magaganap sa Baguio Convention Center.
Samantala, Mayroon ding tauhan ng Baguio City Police Office kasama ang miyembro ng CMFC, Substation 5, Mobile patrol unit, at iba pang magbabantay ng seguridad habang ginaganap ang nasabing festival. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)
