Oil price rollback iginiit ng mga transport group

0
45

Sinugod ng transport group na PISTON ang main office ng kumpanyang Petron sa Makati upang igiit ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, may nagaganap na “overpricing” o sobrang paniningil sa mga oil product.

Mas kailangan aniya ng price rollback sa halip na magpatupad ng dagdag-pasahe o pamamahagi ng mga fuel voucher upang makaagapay ang mga jeepney driver at operator sa mataas na presyo ng langis.

Kahapon ay inilarga ng mga kumpanya ng langis sa ika-apat na sunod na linggo ang bigtime price increase na piso at bente sentimos (P1.20) sa kada litro ng diesel.

—-