OFW patay matapos masagasaan sa Dubai

0
54

Patay ang isang OFW matapos masagaan sa Dubai sa United Arab Emirates.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nangyari ang insidente noong Agosto 23 sa highway na nagdudugtong sa Dubai at lungsod ng Al Ain.

Batay sa ulat, nahagip ng kotse ang biktimang OFW nang bumaba ito sa kanyang sasakyan para tignan ang pumutok na isang gulong nito.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the UAE Hjauceelyn Quintana, hawak na ng mga awtoridad doon ang driver ng sasakyang nakabangga sa OFW habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya nito.

Tiniyak din ni Quintana ang tulong na ibibigay ng embahada ng Pilipinas sa pagpapauwi ng labi ng nabanggit na OFW gayundin ang legal assistance sa insidente.