Binatikos ng Human Rights Watch (HRW) dog ang National Telecommunications Commission (NTC) matapos nitong patigilin ang operasyon ng ABS-CBN.
Ayon kay HRW Deputy Asia Director Phil Robertson, hindi ito ang dapat na kinahinatnan ng ABS-CBN lalo na sa panahon ngayon kung saan may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kinakailangan ang tunay at tapat na pamamahayag ukol dito.
Hinimok din ni Robertson ang NTC na pag-aralan muli ang kanilang naging desisyon.
Kasabay nito, pinatitigil naman ni Robertson ang solicitor general sa umano’y inaasta nito na tila aniya isang “attack dog” ng pangulo.