New Zealand police sinuspinde na ang retrieval ops sa sumabog na bulkan sa Whakaari Island

0
20

Sinuspinde na ng New Zealand Police ang search and retrieval operation sa bangkay ng dalawa pang biktima ng pagsabog ng bulkan sa Whakaari Island.

Ayon kay Bay of   Plenty   District   Commander   Supt. Andy Mcgregor, kanila nang naipagbigay-alam sa pamilya ng dalawa pang nawawalang biktima.

Gayunman, tiniyak ni Mcgregor na nakahanda pa rin silang magbalik sa paghahanap sa mga biktima sakaling muling ipag-utos ito.

Kabilang sa patuloy na pinaghahanap ang 17-anyos na Australian tourist na si Winona Langford at isang 40-anyos na New Zealand tour guide na si Hayden Marshall-Inman.

Sa pinakahuling tala, pumalo na sa 17 ang bilang ng nasawi sa pagsabog ng bulkan matapos namang mamatay ang isang nasugatan sa sakuna habang ginagamot sa Auckland Hospital.