Network services ng Telcos pinapuputol sa ilang lugar para sa Traslacion 2020

0
8

Pinapuputol ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Globe Telecom at Smart Communication Inc. ang kanilang network services sa ilang lugar para sa Traslacion 2020.

Ito, ayon sa NTC, ay base na rin sa direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director Police Brigadier General Debold Sinas na putulin ang network service simula mamayang alas-11 ng gabi hanggang alas12 ng tanghali ng Biyernes.

Nakasaad sa NTC order na dapat ay walang signal sa mga lugar na tinukoy ng NCRPO para sa nasabing mga oras.