NCRPO nakapagtala ng 14 karagdagang COVID-19 cases

0
24

Nakapagtala ng karagdagang 14 na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang hanay.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major Gen. Debold Sinas, mayroon nang kabuuang 47 miyembro nila ang nagpositibo sa virus.

Aniya, kasalukyan nang naka-isolate ang mga ito sa Hinirang Hall sa Quezon City Police District.

Agad na ring ipinag-utos ni Sinas ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga direktang nakahalubilo ng 14 na bagong kaso ng COVID-19 sa NCRPO.

Kasabay nito, nangako si Sinas na patuloy ang pagsasawa ng target group testing sa mga tauhan ng NCRPO. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)