NBI pinadalhan ng subpoena ang mga indibidwal sa pagpapakalat ng fake news hinggil sa COVID-19

0
23

Aabot sa 17 indibidwal ang pinadalhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena dahil sa umano’y pagpapakalat ng fake news hinggil sa coronavirus disease 2019  (COVID-19).

Ayon kay NBI Cyber Crime Division Chief Victor Lorenzo, posible pang madagdagan ang bilang ng kanilang padadalhan ng subpoena sa susunod na linggo.

Una rito, matatandaang tinutugis ng NBI ang mga indibidwal na nag papakalat ng maling impormasyon sa social media, sa ilalim ng Article 154 ng revised penal code ng unlawful means of publication kaugnay ng Cybercrime Prevention Act Of 2012.

Kaugnay pinapatawan rin naman nang ka-aapruba lamang na bayanihan to heal as one act ang mga magpapakalat ng fake news.