National Task Force binuo ni Pangulong Duterte

0
42

Bumuo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang National Task Force upang tapusin na ang local communist armed conflict bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang makamit ang kapayapaan.

Sa ilalim ng Executive Order No. 70, inatasan ang task force na lumikha ng isang national peace framework kung saan kabilang ang mekanismo para sa local peace engagements o negosasyon sa loob ng anim (6) na buwan.

Maglalaman ang framework ng mga prinsipyo, polisiya, plano at programang magdadala ng kapayapaan na tutugon sa pinaka-ugat ng insurhensiya at iba pang armed conflict sa ilang partikular na lugar.

Magsisilbi ang pangulo bilang chair ng task force habang vice chair ang National Security Adviser (NSA).