NAIA balik-operasyon na ngayong 12NN

0
13

Babalik na ang full operations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mamayang alas-12 ng tanghali.

Una nang ini-anunsyo ng NAIA ang gradual operations ng NAIA kaninang alas-10 ng umaga.

Pinayuhan ng NAIA ang mga pasahero ng nakanselang flights na makipag-ugnayan sa kanilang airlines o travel agencies para sa rebooking ng kanilang biyahe.

Matatandaan na isinara ang operasyon ng NAIA nang pumutok ang Bulkang Taal dahil umabot ang abo sa airport bukod pa sa panganib na dala ng abo sa mga eroplano.