31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Nagsagawa ng Ecological Waste Management and Sustainability Fair sa Session Road, Baguio City

- Advertisement -

Baguio City – Ang Ecological Waste Management and Sustainability Fair ay nagsagawa ng pagbebenta ng produkto na gawa mula sa mga recycled materials, re-purposed materials, ang pagpapalit ng household & book items.

Kasama dito ang pakikipagpalitan ng buto ng maitatanim at maging ng pagcomposting. Ang naturang gawain ay pinangunahan ng lokal na gobierno ng Baguio katuwang ang Environment Management Bureau at ang Zero Waste Baguio Inc. sa layuning maitaas ang kamalayan sa pagtataguyod ng sustainable at eco-friendly practices upang mapangalagaan ang kapiligiran ng lungsod ng Baguio.

Ang tinatawag na Napino cops ng Baguio City Police Office ay nagsagawa ng road clearing at clean-up drive sa kahabaan ng Upper Kayang Street sa Brgy. Kayang-Hilltop noong Marso 16, 2024, Sabado.

Ang mga pulis ay nagtanggal ng mga nahuhulog na yagit, ibinalik ang riprap, at lininis ang naturang lugar, kasama dito ang walang silbing basura upang maiwasan ang pagguho. Pinatatagin din nila ang dalisdis o slopes upang maiwasan ang panganib sa hinaharap at mapangalagaan ang kaligtasan ng naninirahan sa naturang lugar.

Ang pagkilos ng kapulisan ay kaugnay sa siyam na pontos na agenda ng City Police Director’ lalo na pagbibigay diin ng pagtatag ng tinatawag na ‘Environmental Police’ unit upang mapanatiling ligtas ,malinis at mailapit ang kalikasan sa publiko. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: Baguio City Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -