Sunday, April 28, 2024

Naghandog ng tulong ang Napino Cops ng Baguio City Police Substation 9 ng Irisan sa isang single father

- Advertisement -

Baguio City – Sa panahong ito, ang mga kapulisan sa siudad ng Baguio ay tumulong sa sa isang single father sa pag aalaga ng kanyang 8-buwan na kambal na anak kasunod ng pagpanaw ng kanilang Ina dahil sa sakit at nagbigay ng serbisyo sa aabot ng kanilang makakaya.

Ang mga kasapi ng kapulisan ay bumisita sa naturang pamilya sa Purok 18, Barangay Irisan upang ibigay ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad diapers at halo-halong grosersiya upang makabawas man sa kanilang alalahanin.

Isa ito sa matuturing na kapuri-puring gawa; ipinakita din nito ang hindi pagiging makasarili at awa na rin ng miyembro ng naturang kapulisan ng Police Substation 9.

Ipinapakita din nito ang pagpapalakas ng katatagan, pagkakaisa sa loob ng isang komunidad at ang kapangyarihan ng pinagsamasamang pagtulong sa oras ng pangangailangan o maging ng kahirapan ng ating mga tagapagpatupad ng batas. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: BCPO Police Substation 9)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -