Nagbigay ng parangal ang ARTA sa programa na eBOSS ng Lungsod ng Baguio

0
52
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Binigyang diin ni Dir. Juliet Lucas ang kahalagahan ng eBOSS upang mapalakas ang pagiging competitiveness index ng lungsod ng Baguio, lalo na sa larangan ng economic dynamism, governance at innovation.

Ang Anti-Red Tape Authority o ARTA ay nagbigay ng parangal ng Certificate of Commendation sa lokal na gobierno ng Baguio dahil sa ganap na pagsunod nito sa electronic Business One-Stop-Shop (eBOSS) sa isang seremonya sa Sangguniang Panglunsod Session Hall sa City Hall noong Biernes.

Ang lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio ay ang ika-36th LGU na pinapurihan sa ganap na pagsunod sa eBOSS, na isang sangkap ng inisyatibang eLGU na magpapadali sa pagkuha ng business permit at paraan upang makuha ito. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio City)

Leave a Reply