Nadagdagan ng 27 ang naitalang bilang ng mga pagkasawi dahil sa COVID-19

0
17

Aabot sa 27 ang panibagong kaso ng pagkasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ngayong araw.

Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa 3,097 na ang kabuuang bilang ng death toll sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa ngayon, nasa 100,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo—80,000 rito ang naitala sa China, habang nasa 20,000 naman ang naitalang kaso sa may 80 iba pang bansa.