MRT-3 maagang nagkaaberya

0
53

Maagang nakaranas ng aberya ang biyahe ng MRT-3.

Pasado alas-6 ng umaga nang iulat ng control center ng MRT-3 ang problema sa riles sa southbound ng intersection ng Guadalupe at Buendia Station.

Agad rin namang naibalik ang serbisyo ng tren bago mag alas-7 makaraang maging maagap ang mga tauhan ng MRT-3 sa pagsasaayos ng riles.

Gayunman, nagresulta na ito sa mahabang pila ng mga pasahero sa naturang istasyon.