Saturday, May 4, 2024

MRT-3 depot workers na nagpositibo sa COVID-19 sumampa na sa mahigit 100

- Advertisement -

Sumampa na sa mahigit 100 ang bilang ng depot personnel ng MRT 3 na nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod na rin ito nang pagsailalim ng mga tauhan ng MRT 3 depot sa swab test.

Kabilang sa mga nagpositibo ang 124 na empleyado ng service provider ng MRT 3 na Sumitomo Mitsubishi at tatlong empleyado ng MRT 3.

Dahil dito ipinabatid ni Transportation Undersecretary Tj Batan na magbabawas sila ng mga ba biyaheng tren ng mrt 3 simula sa Lunes, July 6.

Posible aniyang 10 hanggang 12 tren na lamang ang i-deploy simula sa susunod na linggo.

Tiniyak ng DOTr na hindi nagkaroon ng contact sa mga tauhan ng MRT 3 sa mgaistasyon ng tren ang mga apektadong personnel na naka base sa depot malapit sa North Avenue station.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img