30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mga taong nasa crime scene sa naganap na Jolo shooting tukoy na

- Advertisement -

Tukoy na ang mga taong nasa crime scene ng Jolo shooting na nakita sa CCTV.

Ayon kay Army Spokesman, Col. Ramon Zagala, mga sundalong kasamahan ng apat na sundalong napatay ang mga nasa crime scene.

Sila aniya yung mga kasamahan ng apat na sundalo sa misyon sana nila laban sa Abu Sayyaf na rumesponde nang mapag-alaman ang shooting incident.

Isa aniya roon ay kapatid ng isa sa mga napatay na sundalo at ang naging instinct nito ay lagyan ng unan na t-shirt ang nasawing kapatid at i-check ang gamit nito sa loob ng SUV.

Aminado si Zagala na maituturing itong lapse sa panig ng mga sundalo na rumesponde kaya’t pinasusuri na ito ng kanilang army chief.

Iginiit ni Zagala na walang dinatnang pulis ang mag dumating na sundalo sa crime scene.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -