Baguio City – Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga taga Baguio at mga turista na ang probisyon ng Anti-Distracted Walking Ordinance ay inaprubahan ng lokal na konseho sa pamamagitan ng isang resolusyon.
Kung inyong matatandaan na ang Ordinance 49, series of 2019 ay nag aayos sa paggamit ng mobile devices, ang pagbabawal ng pagbabasa ng anumang babasahin habang tumatawid ng daan o kalsada, sa bangketa o sa kalye. Kaya ang naturang ordinansiya ay isang pagdidiin sa pamamagitan ng Resolution 714, series of 2024 na pinirmahan ni Mayor Benjamin Magalong kamakailan lamang.
Ayon sa resolusyon, ang kamalayan ng publiko ay kinakailangan para sa mga taga Baguio at maging ng mga turista patungkol sa probisyon. Para sa epektibong maipatupad ang nasabing ordinansiya, ang mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) ay dapat bantayan ang mga pangunahing lansangan ng lungsod. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)