Mga Sasakyang Na-Stranded Dahil Sa Bagyong Bising Sa Del Gallego Border Sa Camarines Sur, Umabot Na Sa Isang Kilometro Ang Haba Ng Pila

    0
    114

    Umabot na sa mahigit isang kilometro ang haba ng pila ng mga sasakyang stranded ngayon sa border checkpoint ng Camarines Sur sa Del Gallego.

    Ayon kay PCPL Edward Cyrus Protacio, Assistant Operation PNCO ng Del Gallego MPS, nito lang nakaraang Sabado nang harangin sa border ng lalawigan ang mga sasakyang magtutungo sana sa Matnog Port sa Sorsogon upang tumawid ng Visayas at Mindanao pero dahil sa suspensyon ng biyahe doon bunsod ng bagyong Bising ay minabuti ng pamunuan na makipag-coordinate sa Border Control Point ng Camarines Sur at makiusap na huwag nang magpapasok ng mga sasakyang pupunta sa nasabing lalawigan dahil congested na ng mga sasakyan ang nabanggit na pantalan.

    Karamihan sa mga na-stranded ay mga cargo trucks na may idedeliver na mga motorsiklo at mga perishable goods. Mayroon ding 19 private vehicles at 11 bus.

    Sa kabuuan umaabot na sa 155 sasakyan ang nakatingga ngayon sa labas ng border.

    Samantala, inanunsyo ng Provincial Government ang suspensyon ng trabaho sa kapitolyo ngayong araw dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng bagyong Bising.

    Hinikayat rin ang iba pang ahensya ng Gobyerno at pribadong kompanya na magpatupad ng suspensyon pero hindi ang mga tanggapan na may kinalaman sa COVID-19 at calamity response sa lalawigan.

    (Source: Baretang Bikol)

    Leave a Reply