Hinikayat ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong ‘Ursula’ na lumikas na muna.
Ayon kay NDRRMC Executive Dir. Ricardo Jalad, mas makabubuti na ngayon pa lamang ay lumikas na ang mga residente upang maiwasan na ang anumang sakuna na idulot ng bagyo.
Batay sa monitoring ng PAGASA, posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang Bagyong ‘Ursula’ dahil dala nitong pag-ulan at taglay na lakas ng hangin.
Nakasaad din sa pinakahuling ulat ng PAGASA na posibleng maglandfall ang bagyo sa silangang bahagi ng Visayas, mamayang gabi.
Ayon kay Jalad, dapat ding manatiling alerto at handa ang mga residente lalo na sa mga nakatira sa mababa o bahaing lugar.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Jalad na naka-alerto at patuloy na binabantayan ng NDRRMC sa posibleng pananalasa ng Bagyong ‘Ursula’.