Mga residente sa condominium buildings sa Mandaluyong, inayudahan

0
22

Namahagi ng ayuda ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa iba’t-ibang condominium building sa lungsod ngayong araw.

Ayon kay Jimmy Isidro, Chief of Staff ng City of Mandaluyong, aabot sa 8,877 family food packs ang kanila nang naipamahagi.

Unang nabiyayaan ng tulong ang mga residente ng may 11 condominium buildings sa barangay Highway Hills at sunod namang bibigyan ng ayuda ang mga gusali sa iba pang barangay.

Ang barangay Highway Hills ang pinaka-apektado ng COVID-19 sa lungsod kung saan, mayroon itong 45 confirmed cases, 7 rito ang nasawi at 6 naman ang gumaling na.