Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 sumampa na sa 19 —PNP

0
10

Patuloy na nadaragdagan ang mga pulis na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa pinakahuling ulat mula sa Philippine National Police (PNP) Health Service, nadagdagan ng panibagong tatlo ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan dahilan para umabot na sa kabuuang 19 ang kumpirmadong pulis na positibo sa sakit.

Ayon kay PNP spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, ang tatlong panibagong pasyente ay isang babaeng opisyal na 31-taong gulang at residente ng Laguna.

Ang ikalawa naman ay 41-taong gulang na lalaking pulis na taga-Cavite, habang ang huli ay 45-taong gulang na babaeng pulis na residente ng Batangas.

Bukod dito, umabot na rin sa 280 ang persons under investigation (PUis) habang 1,32 naman ang PNP personnel na ikinokonsiderang persons under monitoring (PUMs).

Sa ngayon, dalawa na ang naitalang nasawi sa hanay ng pulisya dahil sa COVID-19.