Friday, May 3, 2024

Mga Probinsya At Lungsod Sa Bicol Region Isinailalim Sa Alert Level 4

- Advertisement -

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay ipinasya ng Department of Health (DOH)- Bicol Center for Health Development na isailalim sa Alert Level 4 ang apat na probinsya na kinabibilangan ng: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon; anim sa mga lungsod sa Bicol ay inilagay rin sa Alert Level 4, kabilang ang Legazpi City at Tabaco City sa Albay, Iriga City at Naga City sa Camarines Sur, Masbate City at Sorsogon City.

Base sa ulat, nakakaalarma na umano ang sitwasyon ng pandemya sa rehiyon dahil sa paglobo ng mga nagpositibo na nakapagpapuno sa mga pangunahing ospital sa bawat lalawigan. Sa huling tala na inilabas ngayong araw, Setyembre 22, 2021; 498 ang nadagdag sa kaso sa buong rehiyon at 143 dito ay galing Camarines Sur at 109 naman sa Naga City.

Nagpatupad naman ng granular lockdown ang ilang probinsya sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar. Samantala, ang lungsod naman ng Naga ay nagpatupad ng WEEKEND LOCKDOWN kung saan naka-ECQ ang buong syudad  tuwing Sabado at Linggo at hindi papayagang lumabas ang mga residente kung hindi naman importante ang pupuntahan.

(Source: Bicol Overview)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img