Mga private construction sa Navotas City suspendido muna

0
25

Ipinahihinto muna pansamanatala ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang lahat ng mga private construction sa lungsod.

Ito’y ayon kay City Building Official Architect Reagan Joco, alinsunod aniya ito sa EO #TMT-038 hinggil ipatutupad na lockdown sa lungsod ng Navotas.

Dahil dito, nanawagan ang mga awtoridad sa mga may-ari ng mga ginagawang building o anumang gusali, maging ang mga contractors nito na sumunod sa kautusan oras na ipatupad ang lockdown kontra COVID-19.

Samantala, magiging epektibo ang citywide lockdown simula alas 5 ng madaling araw ng July 16 at magtatapos hanggang alas 11:59 ng gabi ng July 29.