Baguio City – Sa ibang kaganapan sa halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa loob ng piitan sa lungsod ng Baguio.
Ang mga PDL sa Baguio City Jail ay bumoto sa naganap na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa loob ng naturang piitan. Ito ang sinabi ni Baguio City Jail Male Dorm Warden Jail Supt. April Rose Ayangwa na may 22 persons deprived of liberty ang nakarehistro at pinayagang makaboto kahapon.
Anya pa rin pang 11 PDLs ang binigyan ng police escorts upang bomoto sa iba’t ibang polling precincts sa lungsod ng Baguio.
Sa dormitorio ng mga babae, sinabi ni Warden JInsp. Joan Bacayan na may 13 PDLs ang pinayagan na bomoto sa naturang pasilidad. Ang pagboto ay pinangasiwaan ni Senior Supt. Roland Lee Cael, ang Directorate for Information and Cimmunition Technology Management mula sa BJMP National Headquarters, at si CHR-CAR lawyer Lyndon Morales.
Samantala, mga karagdagang Special Electoral Boards ang itinalaga sa Barangay Lapat Balantay sa Tineg, Abra matapos maiulat ang mga electoral boards ay hindi tumuloy na maglingkod sa mga voting center kasunod ng insidente ng pamamaril sa nasabing lugar. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of LGU Baguio City)