Mga mahihinang pagsabog sa Bulkang Taal naitala — PHIVOLCS

0
17

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng siyam na mahihinang pagsabog sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa pinakahuling datos ng PHIVOLCS, umaabot sa 100 hanggang 800 metro ang taas ng ibinubugang abo mula sa main crater ng bulkan.

Dagdag pa rito, tinatahak rin ng abo ang direksyong timog-kanluran.

Naitala rin ang mga fissures sa mga barangay ng Lemery, Agoncillo, Talisay at San Nicolas Batangas Province.

Samantala, patuloy na pinapaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko kaugnay sa total evacuation sa Taal Volcano Island at sa loob ng 14-kilometer radius mula sa main crater maging sa Pansipit River Valley.