35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga Local Chief Executives Sa Bicol Hinimok Na Maging Istrikto Sa Pagpapatupad Ng Minimum Health Standards; LGU’s Pinaalalahanan Na Huwag Nang Hintayin Pa Na Mapuno Ang Mga Hospital At Quarantine Facilities

- Advertisement -

Iriga City – Nanawagan ang Department of Health (DOH) Bicol sa mga Local Chief Executive’s na maging mahigpit sa kanilang pagpapatupad ng minimum health standards upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Ferchito Avelino, ang Assistant Regional Director ng nasabing tanggapan, muli nitong hinimok ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na maging istrikto sa pagpatupad ng health standards upang huwag nang tumaas pa ang kaso ng nasabing sakit.

Aniya, sa oras na hindi mapigilan ang pagdami ng COVID cases sa rehiyon ay maaaring wala nang mapaglalagyan sa ospital ang mga pasyente.

Dahil dito, mapipilitan ang ahensya na sa bahay na lang mamalagi ang mga nagpopositibo at may posibilidad na mahawa ang mga kasama sa bahay at mga kapitbahay.

Nananawagan na ang DOH sa lahat na mga barangay health workers, barangay captains at mga mayors na maging istrikto sa pagpapatupad ng mga minimum health standard.

Samantala, pinaalalahanan ni Avelino ang publiko, lalo na ang mga local na pamahalaan na huwag nang hintayin na mapuno pa ang mga isolation, quarantine at hospital facilities.

Aniya, kapag napuno umano ang mga nasabing pasilidad ibig sabihin ay bigo ang mga LGU sa pagpapatupad ng mga reglamento sa komunidad.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -