Mga lagusan sa mga palengke limitado na lamang — DILG

0
11

Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paglalagay ng limitadong entry at exit points sa mga palengke.

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, inatasan na rin ni DILG Secretary Eduardo Ano na mahigpit na bantayan ang mga itatalagang lagusan sa mga palengke.

Layon nito na epektibong maipatupad pa rin ang social distancing at hindi na maulit ang pagkumpol kumpol ng mga tao na tulad nang nangyari sa Balintawak market noong Sabado De Gloria.