Mga jeepney operators na nakiisa sa transport strike noong 2017 kanselado na ang prangkisa —LTFRB

0
13

Kanselado na ang prangkisa ng 20 jeepney operators na nakiisa sa transport strike nuong 2017.

Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra III, ang mga nasabing PUV (Public Utility Vehicle) operators at drivers ay lumabag sa memorandum circular kung saan nakasaad na maaaring bawiin ang prangkisa ng sinumang lalahok sa mga programa na makakaapekto sa mga pasahero.

Ang naturang pagkilos ay pinangunahan ng Piston.

Samantala, inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang LTFRB na panagutin ang mga PUV operator na makikiisa sa isasagawang transport strike sa Lunes, September 30 na pangungunahan din ng Piston at Acto bilang pagtutol sa PUV modernization program ng gobyerno.