Mga immigration officers sa airport pinagsusuot ng face mask kasunod ng pagkalat ng sakit mula China

0
18

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng immigration officers sa mga airport at pantalan na magsuot ng protective gear dahil sa banta ng bagong coronavirus mula sa China.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ito ay bilang preventive measure sa lahat ng tauhan lalo na sa mga nagsasagawa ng inspeksyon sa mga dumarating na pasahero.

Kasabay nito, naghigpit na rin umano ang Bureau of Quarantine sa kanilang isinasagawang screening at surveillance sa mga dumarating na pasahero partikular na sa mga bansang apektado ng nasabing sakit.

Kabilang sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus ay ang China, Japan, Thailand at, South Korea.