Mga gov’t officials at employees bawal ng magliwaliw sa ibang bansa

0
52

Bawal na sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang magliwaliw at mag team building sa ibang bansa.

Ang ban laban sa travel junkets at team building activities ng mga tiga gobyerno ay laman ng executive order ng Pangulong Rodrigo Duterte na nag-update sa rules and regulations at allowances para sa mga official local at foreign trips ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

Sakop ng kautusan na epektibo agad ay ang mga tauhan ng national government agencies, kabilang ang state universities at colleges (SCUs), government owned or controlled corporations, government financial institutions, Congress, Judiciary, Constitutional Commissions, Office of the Ombudsman at local government units (LGUs).

Nakasaad rin sa EO na dapat ipagbigay alam ang lahat ng official foreign trips na bahagya o fully sponsored ng pribadong kumpanya o indibidual.

Ipinagbabawal sa EO ang sponsorship ng mga suppliers, contractors at iba pang kumpanyang mayroong dealings sa pamahalaan na mag sponsor ng biyahe ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan mapa personal man o opisyal itong biyahe sa ibang bansa.

Matatandaan na nito lamang nakaraang buwan ay nag ikot sa Europa ang isang team mula sa PCOO upang ipaliwanag umano sa ating mga kababayan duon ang hinggil sa pagkakaaresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)