Mga debotong lumahok sa Traslacion 2020 higit 2-M na —Manila DRRMO

0
19

Umabot na sa mahigit 2-milyong katao ang nakilahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Batay sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), dakong alas-8:50 ng umaga pa lamang ay umabot na sa 2,371,000 ang bilang ng lumahok sa Traslacion.

Magugunitang aabot sa 6-milyong deboto ang inaasahan ng Quiapo Church Social Communications na makikilahok ngayong Traslacion 2020.

This is a developing story. Please refresh page for updates.