Mga CAFGU member makakatanggap na ng buwanang financial assistance

0
55

Makatatanggap na ng buwanang financial assistance mula sa pamahalaan ang mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Sa Executive Order 69 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 4, tatanggap ang mga CAFGU member ng P7,000 simula Nobyembre ngayong taon at ngayong Disyembre.

Ang pondo na gagamitin para sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda ay magmumula ang sa 2018 contingent fund.

Para naman sa taong 2019, inaatasan ng Malakanyang ang Department of Budget and Management (DBM) na pag-aralan ang pamamahagi ng ayuda sa CAFGU members.

Taong 1987 nang itatag ang CAFGU sa ilalim ni dating Pangulong Corazon Aquino.