Mga branded na sapatos ni Cainta Mayor Nieto ibinibenta

0
25

Ipinapasubasta ngayon ni Cainta Mayor Kit Nieto ang kanyang mga branded na sapatos.

Sa kanyang facebook post, sinabi ni Nieto na gagamitin nya ang makakalap na pera upang kahit paano ay matulungan ang mga pamilya na hindi nakasama sa social amelioration program ng national government.

Ayon kay Nieto, walang sapat na pera ang Cainta upang tustusan ang iba pang pamilya na hindi kasama sa SAC kaya’t naisipan niya na kahit paano ay may maibigay sa mga ito.

Sa mga nais mag-bid sa kanyang mga sapatos, ilagay lamang ang bid comment section ng larawan ng sapatos na nais bilhin.

Ang mga isinusubasta ni Mayor Nieto na pawang size 11 ay ang kanyang Jordan 11 breds sa halagang P13,000, ang birthday gift sa kanya na Jordan 1 Travis Scott low sa halagang P30,000 at ang bigay rin sa kanya na Airforce 1 customized Spiderman sa  halagang P10,000.