Meralco: Walang installment bago ang ECQ

0
22

Isang bayaran lamang ang nakunsumong kuryente bago ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ipinabatid ito ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga matapos linawing ang electric bills na dapat bayaran bago ang Luzon wide ECQ nuong  Marso ay hindi sakop ng kautusan ng ERC hinggil sa  apat na buwang installment o paghahati hati ng bayad ng konsumo sa kuryente.

Ang February bill aniya na naabutan ng deklarasyon ng ECQ ay dapat buong bayaran kapag nagbalik na sa normal ang sitwasyon.