Medal of valor mas mahalaga kaysa sa rolex watch — Lacson

0
43

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na mas mahalaga sa sinomang sundalo ang medal of valor kaysa sa ilang daang mga rolex watch.

Ito ay matapos ipangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa Prosperidad Agusan Del Sur noong sabado ang pagbibigay ng rolex watch sa mga sundalong mapagkakalooban ng medal of valor.

Ayon kay Lacson, bawat sundalo ay nangangarap na mabigyan ng medal of valor at mas higit na hinahangad nila ito kaysa sa pagkakaroon rolex watch.

Paliwanag ni Lacson, bihira lang ang napagkakalooban ng medalya ng kagitingan hindi dahil sa extra ordinary ang dapat magawa ng isang sundalo kundi dahil bihira lang mangyari ang pagkakataong may mabibigyan nito.

(with report from Cely Ortega- Bueno)