Mayor Margie Aguinillo, Pormal Nang Binuksan Ang Mananga RCPC CBridge Structure Sa Publiko

0
227

Makakatawid na ng ligtas ang mga motorista sa Mananga Reinforced Concrete Pipe Culvert (RCPC) Bridge Structure simula ngayong araw pagkatapos na pormal na buksan ni Mayor Margie Moran-Aguinillo ang nasabing istraktura sa pamamagitan ng isang maliit na seremonya.

Bago binuksan ang nasabing tulay, nagkaroon ng isang blessing at maiksing programa na dinaluhan ng mga empleyado ng LGU Buhi, miyembro ng Sangguniang Bayan, mga opisyales at iba pang mga bisita.

Nagpapasalamat ang LGU Buhi kila Engr. Jose C. Cabais and family, Mr. Wilson B. So and family, Mr. Rodrigo L. Claveria, at kay Mrs. Josefina Tajuana-Odiada and family para sa pagpapahiram ng kanilang pribadong lupa upang gawing detour road habang ginagawa ang nasabing tulay.

Isang pasalamat din ang nais ipaabot sa Barangay Council of Sagrada at Barangay Council of San Jose Bayabayon at iba pang barangay. Kasamang pinapasalamatan ang mga volunteer-partners, Municipal Engineering field personnel na pinamumunuan ni Engr. Herminio Odiada at ng Public Safety Office na pinamumunuan ni Venerando A. Claveria.

At higit sa lahat, nais po nating pasalamatan ang mga motorista at publiko sa inyong pag-intindi at pasensya habang ginagawa ang nasabing proyekto.

(Source: LGU Buhi)

Leave a Reply