Mayor Benjamin Magalong nagagalak sa magandang ekonomiya ngayong taon sa lungsod ng Baguio

    0
    10
    photo courtesy of PIO Baguio

    Baguio City – Ito ang kanyang pahayag sa ginanap ng City Hall Hour sa Baguio Convention Cultural and Convention Center noong araw ng Miercules.

    Sa ngayon, anya, ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Treasurer’s office ay nakakolekta ng ng 540 milyong piso in terms of Business permit as of this time.

    Kung ihahambing naman sa nakaraang taon, ang City Treasurer’s office ay nakakolekta ng 330 milyong piso noong nakaraang taon. Sinabi na alkalde na ang ibig sabihin nito ay dumarami ang negosiyante namumuhunan sa lungsod ng Baguio partikular na ang mga Small Medium Scale industries, kung isasalin ito sa maikling salita.

    Sinabi ng alkalde na ang ibig sabihin nito ang ekonomiya ng Baguio ay gumaganda. Anya, hindi pa kasama ang iba pang pinagkukunan ng buwis ng lungsod na sa kanyang palagay ay tataas pa sapagkat patapos naman ang taon at marami ang magbabayad ng buwis sa amilyar o ang real property tax.

    Kanya ring inaasahang marami pa ang magbabayad ng business permit bago matapos ang taong ito at sa unang quarter ng susunod na taon. Sinabi ng Alkalde, ang mga ito ay makakadagdag pa sa kaban ng lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PIO Baguio)

    Leave a Reply