Mayor Benjamin Magalong hiniling sa Department of Health na mag-imbestiga hingil sa mababang kalidad diumano ng pagkakagawa ng mga gusali sa Baguio General Hospital

0
10
photo courtesy of PIA Cordillera

Baguio City – Hiniling ni Mayor Benjamin Magalong kay Health Secretary Teodoro Herbosa na mag utos na magimbestiga sa tatlong ginagawang gusali sa loob ng compound ng Baguio General Hospital na kanyang sinabi na mababa ang kalidad.

Sa isang sulat na ipinadala ng Mayor sa kahilim, nagpahayag siya ng matinding pagkadismaya at pagaalala sa kinalabasan ng Trauma Center, ang Outpatient Department at ang kung paano pinapatakbo ang Flavier building.

Anya ang mababang kalidad ng mga naturang gusali ay hindi lang nagbibigay ng kaabalahan kundi naglalagay din sa kompromiso sa kaligtasan at kagalingan ng mga umaasa sa BGHMC para sa serbisyo nito.

Sinabi ni Magalong na ang inaasahang pagbabago ay hindi nakakamit kahit na may sapat na pondo para sa naturang proyekto. Idinagdag na alkalde na ang mga problema ay idinudulog sa proceso naroon na kanyang sinabi naging sanhi ng mababang kinalabasan na hindi katanggap tanggap sa panuntunan ng lungsod.

Samantala, naniniwala ang alkalde sa liderato ng kahilim na mabibigyan ito ng solusyon at matiyak na ang Baguio General Hospital and Medical Center ay mananatiling takbuhan ng mga maralitang mamayan ng Baguio sa pangangailangang medikal.

Kaugnay nito, nanawagan din si Mayor Benjmain Magalong sa kalihim na itaas ang kalidad ng ating mga proyektong pang-imprastraktura. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply