May bagong gusali ang DBM-CAR sa lungsod ng Baguio

0
29
photo courtesy of PIA -CAR

Baguio City – Isang pitong palapag na gusali na matatagpuan sa Barangay Cabinet Hill-Teachers Camp at Leonard Wood Road ang bagong Department of Budget Office ng Cordillera.

Isa itong matatawag na isang modernong berdeng gusali na mayroong solar-powered lighting at panels, may generator set din, a cistern o balon, at sewerage treatment plant.

Ang naturang gusali ay mayroon din salamin na dingding na pinapayagang makapasok ang natural ilaw sa gusali.

Sinabi ng kahilim ng DBM na si Amenah “Mina” F. Pangandaman na maliban sa mga opisina at conference rooms, ang mga LED walls nasa loob at labas ng gusali, mayroon din itong ibang gamit tulad ng childcare area, isang klinika at multipurpose hall na pwedeng tumanggap ng 100 katao.

Sinabi ng kahilim na ang modernong pasilidad ay pagpapakita lamang ng pangako nito na ipagpatuloy ang mga pagbabago sa rehion Cordillera. Anya ang mga pasilidad ay tiyak na tiyak na magugustuhan ng mga empleado at ng publiko na katanggap tanggap naglalayon ng pagkakonekta at pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Nagpasalamat ang kalihim ng DBM sa DPWH sa pagsuporta at dedikasyon nito sa pagkompleto ng moderning gusali ng kanilang kagawaran sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply