33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mataas na opisyal ng CTG at mastermind ng major terroristic attacks sa Bicol, naaresto sa Malabon City

- Advertisement -

Napasakamay na ng awtoridad ang isang lalaking miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na si Dindo Monsanto alyas “Boy”, commanding officer ng Regional Operations Command (ROC) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) matapos ang pinaigting na operasyon ng awtoridad sa Barangay Baritan, Malabon City dakong alas 2:30 ng umaga kahapon, Mayo 9, 2023.

Nakumpiska sa suspek ang isang M16 rifle, isang kalibre .45 pistol, hand grenade, anti-personnel mine, 11 na cellphone, siyam na flashdrive, memory card at mga dokumento.

Ang suspek na ROC commander ang nag-udyok ng iba’t ibang teroristang aktibidad laban sa gobyerno at sa mga Bicolano kabilang na ang insidente ng pambobomba sa Masbate na ikinamatay ng mga varsity player ng Far Eastern University (FEU) na sina Kieth at Nolven Absalon noong nakaraang Hunyo 6, 2021; ang ambush sa limang tauhan ng PNP na nagtitiyak ng proyekto ng gobyerno; at ang pagsunog ng mga heavy equipment na ginagamit sa pagtatayo ng Bicol International Airport.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa limang bilang ng kasong murder, attempted murder, robbery with homicide, at kasong paglabag sa Anti-Terrorism Law.

(Jv Navarro Verdeflor Jr source  9th ID Camarines Sur, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -