Mambabatas sinampahan ng disqualification case sa Comelec

0
45

Sinampahan ng disqualification case si Surigao del Sur First District Representative Prospero Pichay laban sa kanyang kandidatura sa pagka-kongresista sa eleksyon sa susunod na taon.

Ito’y makaraang mahatulan siyang maysala ng Ombudsman noong taong 2011 sa kasong grave misconduct dahil sa iligal na paggamit nito ng pondo ng local water utilitites administration na nagkakahalaga ng mahigit pitongdaang (700) milyong piso sa express savings bank.

Kaakibat ng naturang hatol ang pagpapawalang bisa sa lahat ng benepisyo ni Pichay at pagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Bilang pagpapatupad sa parusa laban kay pichay, naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng dokumentong nagsasabi na kasama na si Pichay sa kanilang database ng mga diskwalipikadong humawak ng puwesto sa pamahalaan.