Mambabatas naglabas ng komento kaugnay sa bullying incident sa Ateneo

0
51

Naglabas na ng komento si Makati City Representative Monsour Del Rosario kaugnay ng insidente ng bullying sa Ateneo Junior High School.

Giit ng mambabatas, hindi katanggap-tanggap ng ginawang pambubully at pananakit ng taekwondo athlete na si Joaquin Montes.

Malinaw aniyang nabigo si Montes na gamitin ang sport na taekwondo sa tunay na layunin nito.

Maliban dito, hindi rin pinalagpas ni Del Rosario ang naging pagkukulang ng mga magulang ni Montes na palakihin ng maayos ang kanilang anak.

Si Del Rosario ay isang taekwondo olympian na kaisa-isang non-Korean na naging inductee sa taekwondo hall of fame.