35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mamamayan Ng Sta. Cruz, Davao Del Sur Tumanggap Ng Maagang Pamasko

- Advertisement -

Davao Occidental – Ang kumpanya ng Prime Xynergies Incorporated at Coco Davao Inc. kasama ang kasundaluhan ng Alpha Company, 73IB, 10ID, PA ay namahagi ng maagang pamasko sa mga mamamayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ang Prime Xynergies Incorporated sa pangunguna ni Mrs. Yolanda S. Abella, Plant Manager, ay nagbigay ng spaghetti pasta at sauce kasama na rin ang 600 na mga de-latang produkto. Sa katunayan, nagbigay din si Mr. Marlon Si, Plant Manager, ng Coco Davao Inc., ng spaghetti pasta and sauce, 400 na mga de-latang produkto at 400 na Pancit Canton.

Sa maagang pamaskong ito ay nabenipisyohan ang mamamayan ng Sitio Tubison, Brgy. Astorga, Sitio Landig 1 at Sitio Landig 2 ng Brgy. Tibolo at Sitio Batuno, Brgy. Sibulan na matatagpuan lahat sa munisipyo ng Sta. Cruz.

Sa ipinarating na mensahe ng Punong Barangay ng Brgy. Sibulan na si Hon. Abe, “Ang yano apan daghang tabang nga gihatag sa amon.  Kadaghanan sa aton dili makahimo sa pagpalit niini.  Mao nga salamat kaayo sa niining higayon nga imong gipaambit,” kanyang madamdaming sabi. (Simple ngunit malaking tulong na ang ibinigay na ito sa amin. Karamihan sa amin ay walang kakayahang makabili ng ganito. Kaya maraming salamat sa pagkakataong ito na inyong ibinahagi)

Bilang tugon, nais ding iparating ng Pinuno ng 73IB na si Lt. Col. Ronaldo G Valdez ang kanyang pasasalamat sa mga kumpanya sa pagkakataong ibinigay nila sa taumbayan ng Sta. Cruz na maramdaman ang pasko sa simpleng regalo na ibinigay.

“Ang simpleng kawanggawa na ito ang magpapatibay sa samahan ng gobyerno, mga pribadong sektor, kasundaluhan at mga mamamayan sa darating na anibersaryo ng kilusang Communist Party of the Philippines (CPP)”, kanyang dagdag.
(CMO 73rd IB | DPAO 10th ID)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -