Malawakang tigil-pasada ikinasa ng iba’t-ibang transport group

0
48

Ikinasa ng iba’t ibang grupo ng transportasyon ang isang malawakang tigil-pasada sa 30 ng Setyembre.

Kinabibilangan ito ng grupong Piston, Stop and Go Coalition, ACTO at iba pa.

Ayon kay Jun Magno, pangulo ng Stop and Go Coalition, ang kanilang ikinasang tigil-pasada ay bilang protesta sa PUV modernization program.

Layon aniya nilang palawakin pa ang pagkilos upang pigilan ang nasabing programa ng pamahalaan.

Kanila umanong sisimulan ang tigil-pasada 4:00 ng madaling araw sa September 30.