Matapos ang mahigit isang siglo, nakabalik na sa Pilipinas ang tatlong makasaysayang Balangiga Bells.
Mula sa US Military Base sa Okinawa, Japan, lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City ang US Air Force C-130 lulan ang mga kampana kaninang umaga.
Pinangunahan ni Department of National Defense Delfin Lorenzana at US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang isinagawang handover ceremony sa tatlong kampana.
The 3 Balangiga Bells arrived home in the Philippines today. U.S. Ambassador Sung Kim handed the bells over to SND Lorenzana during the ceremony at Villamor Air Base. #FriendsPartnersAllies pic.twitter.com/jPUDu47L2J
— U.S. Embassy in the Philippines (@USEmbassyPH) December 11, 2018
Ayon kay Ambassador Sung Kim, ang pagbabalik ng Balangiga Bells sa Pilipinas ay ang tama at dapat na gawin.
Itinuturing naman ni Defense Chief Lorenzana na isa sa pinakamahalagang araw sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.
Aniya, ito na ang panahon para sa paghilom ng sugat ng nakaraan sa pinakamadilim na kabanata ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Matatandaang 1901 nang kunin ng mga Amerikanong sundalo ang naturang mga kampana bilang war trophies.
IN PHOTOS: Makasaysayang Balangiga Bells, nakabalik na sa Pilipinas | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/meIWVvvnUM
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 11, 2018
—-