Makabayan Bloc hinimok ang COMELEC na i extend ang voter registration hanggang Enero

0
40

Hinimok ng Makabayan Bloc sa kamara ang Commission on Elections (COMELEC) na palawigin hanggang Enero ang voters registration para sa 2019 midterm elections.

Sa inihaing House Resolution No. 2168 nina Party-list representatives Sarah Elago, Carlos Zarate, Emmi De Jesus, Antonio Tinio, Arlene Brosas, France Castro at Ariel Casilao kanilang hinikayat ang COMELEC na i extend hanggang Enero 13, 2019 ang deadline sa voters registration mula sa kasalukuyang Setyembre 29.

Iginiit ng mga nabanggit na mambabatas, makikinabang sa pagpapalawig ng voters registration ang mga first time voters at mga estudyante hirap makahanap ng oras para makauwi ng kani-kanilang mga pinagmulang probinsya.

Binigyang diin din ng Makabayan Bloc ang isinasaad sa Voters Registration Act of 1996 kung saan hindi na maaaring magsagawa ng voters registration, 120 araw o apat (4) na buwan bago ang halalan at 90 araw o tatlong (3) buwan bago ang special election.