Mahigpit na seguridad ipapatupad sa Traslacion — NCRPO

0
25

Aabot sa 10,000 pulis ang ipakalat para sa nalalapit na Traslacion.

Ayon kay NCRPO Dir. Brig. Gen. Debold Sinas, magmumula ang mga ipakakalat na pulis mula sa iba’t-ibang police district sa Metro Manila.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Sinas na mas mahigpit ang kanilang ipatutupad na seguridad kung saan aabot sa 400 pulis ang itinalaga sa harapan ng andas ng itim na Nazareno habang tig-400 pulis din naman ang pu-pwesto sa gawing kanan at kaliwa nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Manila Police District (MPD) Chief Police Brig. General Bernabe Balba na bantay sarado na nila ang loob at labas ng Quiapo church.

Sa katunayan aniya ay nagpakalat na sila ng sapat na bilang ng pulis sa mga lugar na malapit sa simbahan ng Quiapo upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Samantala, sinabi rin ni Balba na asahan na ang mas pinaigting na police visibility ngayong nalalapit na ang pista ng itim na Nazareno.