Baguio City – Plano ngayon ng Baguio City Police Office na magsagawa ng mahigpit na “border control” upang hindi makapasok ang illegal druga dito sa lungsod ng Baguio.
Maliban diyan ay paiigtingin pa ang “intelligence gathering” ng mga itoIto ay kasunod ng pagkakakumpiska ng 575 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 4 Bilyon piso sa Irisan noong isang araw.
Ayon kay Police Colonel Francisco Bulwayan Jr., sinabi ng mga tauhan ng National Capital Region-Police Office (NCR-PO ) na ang nahuling tsino ay nagmula sa kanilang nasasakupan, hindi maiiwasan na magulat sila sa nangyari.
Sinabi nila na hindi nila inaasahan na makakumpiska sila ng daang daang kilo ng shabu dito sa lungsod ng Baguio na sanhi na gagawin nila ang kanilang abot na makakaya upang hindi na muli mangyari ito.
Matatandaan na suspek ay may edad na 51 anyos at kinilala ito bilang si Ming Hui “alyas Tan”, isang “chef” may asawa at tubo ng Tsina.
Ang mga nasamsam na illegal na druga ay dinala sa Police Regional Office-Cordillera o PRO-COR laboratory matapos ipakita ito sa hukuman. (Joel Cervantes, photo courtesy of BCPO file)
